Hymn of Agoncillo
Composer : Ms. Elizabeth Mendoza
Dito sa baybayin ng lawa ng taal
Isang Baya'y sumibol, natatag itinanghal
Magiting na Alkalde Jacinto Mendoza
Nagpunyagi upang bayan ay madeklara
Isang libo siyam na raan apat-naput syam
Taong natatangi dito sa kasaysayan
Ikapito ng Abril, mapalad kung turingan
Pagkat Agoncillo nagkaroon ng kasarinlan
Mga mamamayan ating ipagdiwang
Pagkakatatag nitong ating bayan
Mga ninunong haligi ng angkan
Dugong bayani tunay na Agoncillian
Pagkakaisa, bigkis na nagbubuklod
Tunay na pag unlad itataguyod
Sa pakikibaka tungo sa tagumpay
Agoncillo, tunay na marangal
May ilog Pansipit at lawang mayaman
Bundok, kapatagan at yamang tao man
Pananampalataya sa Dakilang Poon
Ang sayaw na Subli ay siyang tradisyon
Sa mga produkto dito ay sagana
Palay, mais, niyog at maging tilapia
Ang itlog na pula't tawilis na malasa
Lahat ng ito ay sa Agoncillo makikita
Mga mamamayan ating ipagdiwang
Pagkakatatag nitong ating bayan
Mga ninunong haligi ng angkan
Dugong bayani tunay na Agoncillian
Pagkakaisa bigkis na nagbubuklod
Tunay na pag-unlad itataguyod
Sa pakikibaka tungo sa tagumpay
Agoncillo, tunay na marangal